Miyerkules, Nobyembre 12, 2008

Ang Unang Araw ng Pagtalakay

Sa unang araw na ito, nang pumasok kami sa aming silid-aralan para sa susunod namin subjek ang Fil. Lit. Ang buong klase ng BEED-2 ay nahalughog dahil sa may kumakalat na balita sa aming silid-aralan. Buong BEED-2 ay nagkaroon ng usap-usapan tungkol sa nasabing may magpapalit na raw sa dati namin guro na si Mrs. Elsa E. Durante. Nagtatanungan.. kung sino nga ba talaga ang bagong guro nayan? Hanggang sa pumasok na siya sa aming silid-aralan at nagbigay galang sa buong klase ng BEED-2. Una napakilala siya sa kanyang sarili. Siya ay isang simpleng guro na mabait, masipag at matalino walang iba Sir Irvin Sto.Tomas. Nasabi kong mabait siya kasi unang impresyon ko pa lang nakikita ko ng nahihiya siya sa amin, may katamtaman lakas ang kanyang boses, sinabi niya naman sa amin yon na first time niya kasing magturo kaya't ganyan siya sa amin at naiintindihan naman namin siya, sa katunayan nga ang swerte namin kasi 1st time diba?? At siya pa yong adviser namin, Wow nakaka-excited naman... Nasabi ko rin po na masipag kasi nakikita naman po sa kanyang ugali sa pagsasalita at sa kanyang mga kilos.
Inaasahan namin mula ngayon at sa susunod pang semestre mas marami pa kaming matututunan sa Asignaturang Filipino. Maraming Salamat po!.

Walang komento: