Lunes, Nobyembre 24, 2008

Nakakapagod... Talaga ito!!

Busy na naman ang lahat. Ikot diyan, takbo doon. Lahat ng BEED-2 ay nagmamadali sa paggawa ng bawat tungkulin.
Dapat ng maipaalam sa bawat department ang paligsahan na gaganapin sa Activity Day. (Nov. 26, 2008) Kaya bawat isa sa amin ay tulong-tulong na ipaalam ang lahat. May pangkat na patungo sa Engineering dept. Education dept. at meron din sa Lab. high school.
Mayroon ng nakadikit na streamer sa harap ng Education dept. Hindi na nakaugaga ang lahat ng Beed-2 sa pag-aasikaso ng gagawin na paligsahan. Ang ibang mag-aaral ay nagpapalista na ng ibang pangangailangan, may gumagawa ng imbitasyon at kung anu-ano pa.
Nakakahanga talaga ang isa naming kamag-aral kasi, kahit hindi siya ang presidente ng aming klase, aktibong-aktibo siya sa paggabay ng bawat isa sa amin.

Walang komento: