Miyerkules, Nobyembre 26, 2008

Activity Day!!

Maaga ng dumating ang lahat sa silid-aralan upang mapasimulan na ang isang paligsahan na gaganapin sa Library.
Halos busy na naman ang lahat sa pag-aasikaso sa lugar na pagdadausan ngnito. Naganap ito sa loob ng Library. May sinabit na nga larawan upang magkaroon ng interest ang mga mag-aaral na pumasok at maingganyo sa mg a gaganaping gawain.
Maging si Ma'am Monserate ay busy din sa pag-asikaso, nakikihalubilo din siya sa mga mag-aaral. At nagsusuporta sa aming mga Education students.
May picture taking na naganap, pigture doon, picture diyan! Kaya naging masaya ang lahat pati na rin ang guro namin si Sir. Irvin na kitang kitang masaya!.

Lunes, Nobyembre 24, 2008

Nakakapagod... Talaga ito!!

Busy na naman ang lahat. Ikot diyan, takbo doon. Lahat ng BEED-2 ay nagmamadali sa paggawa ng bawat tungkulin.
Dapat ng maipaalam sa bawat department ang paligsahan na gaganapin sa Activity Day. (Nov. 26, 2008) Kaya bawat isa sa amin ay tulong-tulong na ipaalam ang lahat. May pangkat na patungo sa Engineering dept. Education dept. at meron din sa Lab. high school.
Mayroon ng nakadikit na streamer sa harap ng Education dept. Hindi na nakaugaga ang lahat ng Beed-2 sa pag-aasikaso ng gagawin na paligsahan. Ang ibang mag-aaral ay nagpapalista na ng ibang pangangailangan, may gumagawa ng imbitasyon at kung anu-ano pa.
Nakakahanga talaga ang isa naming kamag-aral kasi, kahit hindi siya ang presidente ng aming klase, aktibong-aktibo siya sa paggabay ng bawat isa sa amin.

Biyernes, Nobyembre 21, 2008

Plano ulit tayo...

Nagkaroon ng maikling panahon para makapag-usap ang buong klase. Dapat may gagawa nang streamer. Ginagawa na rin ng mga officers ang mga kasulatan na ipapapirma sa mga Dean at iba pang may kinalaman sa paligsahan.
Kami'y naman ay binigyan ng tungkulin na ipapahayag sa High school na sumasali sa paligsahan. Gumawa rin kami ng isang Pantikan o isang halimbawa nito.
Napapadalas na rin ang paggawa namin ng blog. Sa unang pagkakatao'y maraming beses na akong nagkamali sa tuntunin na susundin sa paggawa ng blog. Ngunit sa wakas natapos din ito.

Miyerkules, Nobyembre 19, 2008

Tigsik? Rawit-Dawit?

1Nagkaroon ng bagong plano si Sir, kami na raw na BEED-2 ang mamamahala sa gagawing "NATIONAL BOOK WEEK?" Ano ba yon? oh! no? Bagong proyekto na naman ito!
Ang "NATIONAL BOOK WEEK" pala ay tungkol sa pagpapahalaga sa isang 'Linggwaheng Bikol'. Ibinigay sa amin ang bagong tungkulin na mamahala at magpalaganap ng paligsahan sa paggawa ng Tigsik na batay sa temang "ANG BATANG PALABASA PALIBHASA SA KULTURA".
Ang tinutukoy sa paligsahan na ito'y dapat makapag salita ang mga mag-aaral na bibigayan ng entry na halimbawa ng Tigsik. "Tigsik na nasa Linggwaheng Bikol". Mahirap ata ang ipinapagawa ni Sir, kaya't oras-oras ay napapag-usapan namin ang tungkol dito. Binigyan kami nag iba't-ibang tungkulin para dito. Makaya kaya namin ito? Naku!

Lunes, Nobyembre 17, 2008

Sa Ikatlong Pagtalakay Ng Blog

Hay salamat... kasi natuto na rin ako. Ngayon naiintindihan ko na kung ano ang ipinapagawa sa amin ng bago naming guro. Sa araw din ito, tinatalakay na din namin ang tungkol sa Panitikan. Ayon sa aklat na aming napag-aralan habang nandito pa ang aming guro.
Ang salitang Panitikan raw ay nanggagaling sa unlaping pang- na nagiging pan- kapag ang kasunod na salitang ugat ay nagsisimula sa mga titik na d,l,r,s at t; Ang Pan- ay unlapi, tik- ay gitlapi, at ang an- naman ay hulapi. At ito ay bumubuo ng isang PANITIKAN.
Sa salitang ugat na "titik" o "letra" na nawawala ang simula sa pagkakasunod sa unlaping pan- at hulaping -an.
Ang Panitikan ay nangangahulugan sa Ingles na "literatura", at sa Kastila naman ay "literatura" na batay sa Latin na "litera" na nangangahulugan ay "letra" o "titik".
Nagkaroon din kami ng hindi pagkakaunawaan sa salitang Filipino at Pilipino. Ano nga ba ang pagkakaiba nito?
Ngunit naayos din namin ito sa bandang huli.


Biyernes, Nobyembre 14, 2008

Ang Pagpaplano ng Paggawa ng Blog

Noong unang araw ng pagtalakay ni Sir Irvin. Nasabi niyang kailangan naming gumawa ng isang repleksyon na gagamitan ng kompyuter. Noong una'y di ako sang-ayon sa gusto niyang ipagawa sa amin. Alam ko kasing mahirap ang ipapagawa niya sa tulad naming hindi pa masyadong marunong gumamit nito.
Hindi din ako sang-ayon sa plano niya sapagkat wala kaming hilig sa paggawa ng blog or friendster. Pero habang sinasabi ko yon, alam kung kaya ko yon gawin kasi ang iba ko ngang klasmeyt marunong ako pa kaya. Kaya kinaumagahan habang wala pa akong klase noon sinubukan kong mag hands on. At sa wakas natuto rin ako. Inisip ko tuloy na tama nga si Sir kaya namin 'to. Kasi sinabi niya sa amin noon ipapagawa niya ito dahil may tiwala siyang kaya namin gawin ito. Oo nga pala, pumunta ako sa skul para mag-aral, matuto hindi para magtamad kung hindi nga ito ginawang proyekto sa amin ni Sir, hindi ako matututo.
Salamat nga pala Sir sa ginawa mong proyekto sa amin kasi kung alam mo lang po ikaw lang ang tanging guro nagpagawa nito sa amin. Maraming SALAMAT PO dahil, natuto ako at ang iba kong mga kaklase.

Miyerkules, Nobyembre 12, 2008

Ang Unang Araw ng Pagtalakay

Sa unang araw na ito, nang pumasok kami sa aming silid-aralan para sa susunod namin subjek ang Fil. Lit. Ang buong klase ng BEED-2 ay nahalughog dahil sa may kumakalat na balita sa aming silid-aralan. Buong BEED-2 ay nagkaroon ng usap-usapan tungkol sa nasabing may magpapalit na raw sa dati namin guro na si Mrs. Elsa E. Durante. Nagtatanungan.. kung sino nga ba talaga ang bagong guro nayan? Hanggang sa pumasok na siya sa aming silid-aralan at nagbigay galang sa buong klase ng BEED-2. Una napakilala siya sa kanyang sarili. Siya ay isang simpleng guro na mabait, masipag at matalino walang iba Sir Irvin Sto.Tomas. Nasabi kong mabait siya kasi unang impresyon ko pa lang nakikita ko ng nahihiya siya sa amin, may katamtaman lakas ang kanyang boses, sinabi niya naman sa amin yon na first time niya kasing magturo kaya't ganyan siya sa amin at naiintindihan naman namin siya, sa katunayan nga ang swerte namin kasi 1st time diba?? At siya pa yong adviser namin, Wow nakaka-excited naman... Nasabi ko rin po na masipag kasi nakikita naman po sa kanyang ugali sa pagsasalita at sa kanyang mga kilos.
Inaasahan namin mula ngayon at sa susunod pang semestre mas marami pa kaming matututunan sa Asignaturang Filipino. Maraming Salamat po!.