Biyernes, Nobyembre 14, 2008

Ang Pagpaplano ng Paggawa ng Blog

Noong unang araw ng pagtalakay ni Sir Irvin. Nasabi niyang kailangan naming gumawa ng isang repleksyon na gagamitan ng kompyuter. Noong una'y di ako sang-ayon sa gusto niyang ipagawa sa amin. Alam ko kasing mahirap ang ipapagawa niya sa tulad naming hindi pa masyadong marunong gumamit nito.
Hindi din ako sang-ayon sa plano niya sapagkat wala kaming hilig sa paggawa ng blog or friendster. Pero habang sinasabi ko yon, alam kung kaya ko yon gawin kasi ang iba ko ngang klasmeyt marunong ako pa kaya. Kaya kinaumagahan habang wala pa akong klase noon sinubukan kong mag hands on. At sa wakas natuto rin ako. Inisip ko tuloy na tama nga si Sir kaya namin 'to. Kasi sinabi niya sa amin noon ipapagawa niya ito dahil may tiwala siyang kaya namin gawin ito. Oo nga pala, pumunta ako sa skul para mag-aral, matuto hindi para magtamad kung hindi nga ito ginawang proyekto sa amin ni Sir, hindi ako matututo.
Salamat nga pala Sir sa ginawa mong proyekto sa amin kasi kung alam mo lang po ikaw lang ang tanging guro nagpagawa nito sa amin. Maraming SALAMAT PO dahil, natuto ako at ang iba kong mga kaklase.

Walang komento: